NAGLAAN ang Provincial Government ng Northern Samar ng 338.4 million pesos ngayong taon para sa konstruksyon ng labimpitong Infrastructure Projects upang mapagbuti ang accessibility at pag-deliver ng mahahalagang serbisyo.
Ayon sa Provincial Government, tatlo sa mga naturang proyekto ang nakumpleto na, habang ang iba ay kasalukuyan pang ginagawa.
Ilan sa mga proyekto ang pag-konkreto ng kalsada sa Barangay Magsaysay sa Bobon, pagsasaayos ng Barangay Hall sa Makiwalo sa Mondragon, konstruksyon ng Genagasan-Cabungaan-Victory-Gebulwangan-Kaghilot-Tobgon sa Silvino Lobos, Farm-to-Market Road mula National Road patungong Barangay Cagdarao sa Laoang, at Solar Street Lights sa kahabaan ng National Highway sa bayan ng San Jose.
Kabilang din ang Evacuation Centers sa Barangay Tangbo sa Catubig; Coroconog sa San Roque; Catigbian sa Laoang; at Poblacion I sa Pambujan.