TATLONG supporters ni Apollo Quiboloy ang dinakip bunsod ng obstruction of justice at direct assault laban sa mga miyembro ng Philippine National Police.
Sinabi ni PNP Davao Region Spokesperson, Police Major Catherine Del Rey, na nangyari ang pananakit sa mga pulis habang nagra-rally ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), kagabi, para kondenahin ang pagtatangka ng PNP na arestuhin si Quiboloy na nahaharap sa mga kasong human trafficking at child abuse.
DND chief, nagpaliwanag kung bakit hindi kinausap ang Chinese Counterpart sa Defense Ministers’ Meeting sa ASEAN
ICC, Remedial Measure lang; pagbuo ng Independent People’s Commission, kailangan nang madaliin
Dating Cong. Zaldy Co, wala pang sagot sa reklamong nag-uugnay sa kanya sa Flood Control Scandal
DOJ, sinubpoena ang mga respondents sa 5 Ghost Flood Control Projects sa Bulacan
Idinagdag ni Del Rey na naging agresibo ang KOJC members at nag-recruit pa ng hindi mga miyembro para sumama sa kanila sa rally.
Aniya, hanggang ngayon ay patuloy ang kanilang pakiusap sa mga raliyista na alisin na ang mga sasakyang iniharang ng mga ito sa kalsada, dahil kung hindi ay maaring magsagawa ang mga awtoridad ng dispersal.
