18 May 2025
Calbayog City
National

2 pang mpox cases, na-detect sa Metro Manila

NAGDAGDAGAN pa ng dalawa ang kaso ng mpox sa bansa, dahilan para umakyat na sa labindalawa ang kabuuang bilang ng tinamaan ng naturang virus sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, ang pang-labing isang kaso ay isang tatlumpu’t pitong taong gulang na lalaki mula sa National Capital Region na nagsimulang dapuan noong Aug. 20 ng mga sintomas, gaya ng kakaibang rashes mukha, braso, binti, ibaba ng dibdib, palad at talampakan.

Sa paunang imbestigasyon, walang exposure ang pasyente sa sinumang may kahalintulad na sintomas, subalit inamin nitong nagkaroon ito ng “close, intimate, at skin-to-skin contact” dalawampu’t isang araw bago magsimula ang kanyang mga sintomas.

Ang pang-labindalawang kaso naman ay tatlumpu’t dalawang taong gulang na lalaki na mula rin sa Metro Manila na nagsimula noong Aug. 14 ang sintomas, na sugat sa kanyang singit.

Inamin din nito na nagkaroon siya ng “close, intimate, at skin-to-skin contact” sa isang sexual partner.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.