TARGET ng gobyerno na maibenta ang tatlong big-ticket real estate assets ngayong 2026.
Ayon sa Department of Finance (DOF), makalilikom ang pamahalaan ng kabuuang 101 billion pesos na revenues, kasama ang proceeds mula sa privatization ng Caliraya-Botocan-Kalayaan (CBK) noong 2025.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Sinabi ng Privatization and Management Office (PMO), na nakatakdang ibenta ngayong taon ang Food Terminal Inc., Mile Long Complex, at Atrium Condominium sa Makati City.
Ang PMO ang nagsisilbing marketing arm ng gobyerno pagdating sa transferred assets.
Gayunman, hindi umano inaprubahan ng privatization council ang minimum prices para sa mga naturang properties.
