25 April 2025
Calbayog City
Metro

3 patay, sampu sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Marikina

TATLO ang patay habang sampung iba pa ang nasugatan kasunod ng karambola ng anim na sasakyan na dulot ng tumagilid na trailer truck sa Barangay Fortune, Marikina City.

Ayon sa Marikina Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa nadamay sa pagtagilid ng truck ang dalawang pampasaherong jeep, dalawang kotse at isang SUV.

Sinabi ni MARIKINA DRRMO Chief Dave David, na batay sa inisyal na imbestigasyon, nasa paakyat na kalsada ang 40-footer truck pero hindi nito kinaya kaya umatras at natumbok ang mga kasunod na sasakyan.

Isa sa mga kotse ay nadurog sa lakas ng impact ng pagbangga habang dalawang biktima ang wala nang buhay nang marekober.

Mahigit anim na oras matapos ang insidente ay nakuha ang katawan ng ikatlong biktima na driver ng jeep na tinamaan ng tumagilid na truck.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).