26 June 2024
Calbayog City
National

3 OFWs, kabilang sa mga nasawi sa sunog sa Kuwait

KINUMPIRMA ng Department of Migrant Workers na tatlong Overseas Filipino Workers ang kabilang sa apatnapu’t siyam na nasawi sa sunog na residential building sa Mangaf District sa Kuwait.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, dalawa pang OFWs ang nasa kritikal na kondisyon sa ospital.

Sinabi ni Cacdac na nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng lahat ng labing isang OFWs na naapektuhan ng trahedya.

Inihayag din ng kalihim na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa kumpanya na sangkot sa insidente, maging sa Kuwaiti Government.

Sa ulat ng Kuwaiti Authorities, nagsimula ang sunog sa isang kusina ng anim na palapag na gusali at mabilis na kumalat sa apartment.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *