DEAD on the Spot ang tatlong magpipinsan matapos bumaliktad ang sinasakyan nilang tricycle sa Anda, Pangasinan.
Ayon sa Anda Municiapal Police Station, binabaybay ng tricycle ang Provincial Road sa bahagi ng Barangay Mal-ong nang inawasan nito ang panambak na lupa sa kalsada.
Gayunman, sa pag-iwas ng tricycle ay sumalpok naman ito sa kasalubong na motorsiklo.
Lumitaw sa imbestigasyon na nag-inuman muna ang magpipinsan sa kanilang bahay saka nagpasyang pumunta sa bayan.
Madilim din umano sa lugar nang mangyari ang insidente dahil brownout.
Kinailangan namang lagyan ng bakal sa binti ang sakay ng motorsiklo bunsod ng insidente.