TATLO katao ang patay habang apatnapu’t walo ang kritikal na nasugatan makaraang magsalpukan ang isang pampasaherong bus at isang refrigerated van sa kahabaan ng highway sa bayan ng Naawan, Misamis Oriental.
Kinilala ng Naawan Police Station ang dalawang nasawi na sina Jasper Haim at Anthony Reyes habang ang ikatlo ay isang lalaki na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.
ALSO READ:
Seguridad para sa Panagbenga Festival, ikinakasa na
3rd-Party Assessment sa Aganan Flyover sa Iloilo, ipinag-utos ng DPWH Chief
8.4 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungong Iligan City ang bus nang mapansin ng driver na pinukol ng bato ang sasakyan dahilan para lumihis ang takbo nito at masalpok ang kasalubong na van.
Nahulog din ang bus sa bangin sa kahabaan ng highway.
