INANUNSYO ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na tatlong German Companies sa Automotive, Semiconductor, at Pharmaceutical Industries ang pagpa-planong palawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas.
Sinabi ng investment promotion agency na nalaman nila ang planong expansion matapos ang business-to-business meetings nang bumisita ang kanilang mga opisyal sa germany noong May 13 hanggang 17.
ALSO READ:
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Hindi naman tinukoy ng PEZA ang pangalan ng mga kumpanya, subalit isa sa mga ito ay naghahanda na umano ng aplikasyon para sa registration.
Sa kasalukuyan, mayroong 37 locator companies sa ilalim ng PEZA sa German Equity, na may katumbas na 30 billion pesos na investment at 20,000 na trabaho.
