21 December 2025
Calbayog City
National

3 araw na transport strike, itutuloy ng grupong Manibela simula sa Miyerkules

Itutuloy ng grupong Manibela ang kanilang nationwide na tatlong araw na transport strike simula sa Miyerkules, Aug. 14.

Sinabi ni Manibela President Mar Valbuena, na lalahok din sa protesta ang kanilang mga miyembro sa mga lalawigan matapos panindigan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang implementasyon ng Public Transport Modernization Program (PTMP).

Kabilang sa mga lalawigan at rehiyon na tinukoy ni Valbuena na lalahok sa transport strike ay ang Pangasinan, Central Luzon, Ilagan at Cauayan sa Isabela, Calabarzon, Western Visayas, Central Visayas, Cebu, Lapu-Lapu, Ormoc, Tacloban, Catbalogan, Iligan, Butuan, Cagayan De Oro City, Sarangani, at Davao City.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).