NAKAPAG-preposition na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office sa Eastern Visayas ng relief resources na nagkakahalaga ng 142.26 million pesos.
Ito ay bilang paghahanda sa epekto ng tuloy-tuloy na mga pag-ulan na dulot ng Shear Line.
Inihayag ng DSWD na nananatiling naka-heightened alert ang kanilang Regional Office at handang tumugon sa posibleng pagbaha at landslides sa iba’t ibang panig ng rehiyon.
Ang Standby Relief Assistance ay kinabibilangan ng 164,832 Family Food Packs; 11,973 Ready-To-Eat Food Packs; at 18,543 na Non-Food Items.
Naglaan din ang ahensya ng 590,000 pesos na Standby Fund para sa emergency response.
Patuloy din ang DSWD sa pakikipag-coordinate sa Local Government Units upang matiyak ang mabilis at maayos na delivery ng Relief Assistance sa mga komunidad na maaring maapektuhan ng masamang panahon.




