SINIMULAN ni Awra Briguela ang 2026 sa pagtatanggol sa kanyang sarili laban sa bashers at online bullying.
Sa X, binuweltahan ni Awra ang mga “transphobic” at “homophobic” na araw-araw aniya ay bumabanat at umaaway sa kanya.
ALSO READ:
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Idinagdag ni Awra na pinili niyang balewalain ang lahat kahit na nasasaktan siya at wala naman siyang ginagawang masama sa mga ito.
Naging komportable na ang mga tao na bastusin siya sa online dahil hindi niya pinagtatanggol ang sarili sa matagal na panahon.
Gayunman, nang pumalag ay siya na ang naging salbahe at sinabihan siyang matapobre.
Nag-ugat ito nang sagutin niya ang basher na limang taong suweldo nito ang halaga ng kanyang ngipin, na tinawag nitong mouthpiece.
