Kinukumpirma pa ng Philippine Embassy sa Israel ang pagkamatay ng isa pang Pilipino sa gitna ng digmaan ng Israeli forces at Palestinian terrorist group na Hamas.
Sa press briefing sa malakanyang, inihayag ni Philippine Embassy Vice Consul Patricia Narajos na bine-beripika pa kung pinoy ang nasawi sa pamamagitan ng DNA testing.
Bukod pa ito sa dalawang pinoy na una nang kinumpirmang nasawi sa gitna ng digmaan.
Samantala, iniulat din ni Narajos na sa ngayon ay tatlong Pilipino na lamang ang “unaccounted for” o hindi pa nahahanap, habang kabuuang dalawampu’t anim (26) na ang na-rescue.
Patuloy ding nagpapagaling sa ospital ang pinoy na tinamaan ng bala, at sumailalim na ito sa operasyon.