Muling magpapasaklolo ang Pilipinas sa multilateral institutions para pondohan ang pagbuhay sa 175 billion pesos na Bicol Project Express na orihinal na popondohan dapat ng gobyerno ng China.
Posible umanong umutang ang Pilipinas sa Asian Development Bank (ADB) at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) upang muling itayo ang Bicol Express sa pamamagitan ng Philippine National Railways (PNR) South Long Haul.
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Sakaling maplantsa ang funding arrangement, sinasabing mayroong options ang pamahalaan para maipatupad ang proyekto.
Una ay maaring hatiin ang project cost sa pagitan ng ADB at AIIB, gaya ng plano para sa isa pang rail project na Metro Rail Transit Line 4, habang ang pangalawa ay utangin nang buo ang gagastusin sa proyekto mula sa AIIB, subalit pautay-utay at hindi isang bagsakan lamang.