NAKABALIK ang Balance of Payments (BOP) position ng Pilipinas sa Surplus noong Oktubre.
Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala ang BOP Surplus sa 706 million dollars noong ika-sampung buwan.
Kabaliktaran ito ng 724 million dollars na deficit na nai-record sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mas malaki rin ito kumpara sa 82-Million Dollar Surplus noong Setyembre at ikatlong sunod na buwan na naitala ang BOP Surplus. Ang BOP ay tumutukoy sa economic transactions ng bansa mula sa ibang mga nasyon, kung saan ang surplus ay nangangahulugan na mas maraming pondo ang pumasok habang ang deficit ay mas marami ang ginastos ng bansa kaysa sa tinanggap nito.



