WAGI ang Filipina tennis star na si Alex Eala sa pagsisimula ng kanyang kampanya sa SP Open Campaign laban kay Yasmine Mansouri ng France.
Pinadapa ng bente anyos na Pinay ang katunggaling Pranses sa score na 6-0, 6-2, sa round of 32, kaninang umaga (oras sa Pilipinas) sa Sao Paulo, Brazil.
ALSO READ:
Alex Eala, makakaharap si Alycia Parks ng Amerika sa Main Draw Debut sa Australian Open
Venus Williams, bigo sa 1st Round ng Australian Open Tuneup Event
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Ang Match na dinomina ng World No. 61 ay tumagal lamang ng isang oras at sampung minuto.
Sinabi ni Eala na ito ang unang beses na nakapaglaro siya sa Brazil at sa South America.
Sunod naman na makakasagupa ng Pinay tennis ace si World No. 188 Julia Riera ng Argentina sa Round of 16 bukas.
Ang SP Open ay isang WTA 250 Event na bahagi ng Main WTA Tour.
