4 March 2025
Calbayog City
Business

284 million dollars na hot money, lumabas sa Pilipinas noong Enero

ARTICLE – 1

MAS maraming foreign capital ang patuloy na lumalabas sa Pilipinas, sa ikalawang sunod na buwan noong Enero, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Naitala ang transactions sa Foreign Portfolio Investments sa pamamagitan ng authorized agent banks sa net outflow na 283.69 million dollars sa unang buwan ng 2025.

Mas mataas ito ng 274.1 percent  kumpara sa 7.83-million dollar net outflow na naitala noong January 2024.

Gayunman, mas mababa ito ng 41.8 percent mula sa 487.37 million dollars na outflow noong Disyembre.

Ang foreign portfolio investments ay karaniwang tinutukoy bilang “hot money” bunsod ng mabilis na pagpasok at paglabas ng bansa.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).