22 April 2025
Calbayog City
Overseas

“Coalition of the willing,” inanunsyo ng UK Prime Minister para garantiyahan ang kapayapaan sa Ukraine 

INANUNSYO Ni United Kingdom Prime Minister Keir Starmer ang four-point plan para tulungan ang ukraine na matapos na ang digmaan at ipagtanggol ang bansa mula sa russia.

Sinabi ni Starmer na paiigtingin ng uk, France at iba pang mga bansa ang kanilang mga hakbang sa pamamagitan ng “coalition of the willing” at hihilingin ang involvement ng u-s para sa kanilang suporta sa Ukraine.

Ginawa ng UK Prime Minister ang pahayag kasunod ng summit ng labing walong leaders na karamihan ay mula sa Europe at kabilang si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Nangyari ito, dalawang araw matapos ang mainit na pagtatalo sa pagitan nina Zelensky at US President Donald Trump sa white house.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).