NASA tatlumpumpu’t siyam na libo tatlundaan at apat na pung pamilya sa Eastern Visayas ang grumadweyt mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa unang anim na buwan ng taon, ayon sa Department of Social Welfare and Development.
Sinabi Ni DSWD-8 Regional Information Officer Jonalyndie Chua na ang mga naturang pamilya ay idineklarang self-sufficient matapos sumailalim sa social preparation activities.
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
Sa nabanggit na bilang, 31,482 ang nakaabot sa self-sufficiency level of well-being habang ang 7,858 households ay sa pamamagitan naman ng natural attrition na ang ibig sabihin ay wala na silang zero to 18 years old na kwalipikado sa 4Ps assistance at lumabas na sa programa.
Gayunman, nilinaw ni Chua na ang graduation sa programa ay hindi nangangahulugan na tapos na ang ayuda mula sa pamahalaan.
May alok aniya ang DSWD na sustainable livelihood program, sa pakikipagtulungan ng local governments at iba pang mga ahensya, upang maipagpatuloy ang pagtulong sa mga pamilya upang bumuti ang lagay ng kanilang pamumuhay.
