14 July 2025
Calbayog City
Province

219.5 million pesos na halaga ng smuggled fuel, nasabat sa La Union

AABOT sa 219.5 million pesos na halaga ng smuggled fuel ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC), sa La Union Port.

Naaktuhan ng mga awtoridad ang motor tanker na MT Bernadette habang naglilipat ng diesel patungo sa isang Lorry truck.

Ayon sa BOC, nadiskubre rin na may dalawa pang Lorry truck na may laman na diesel fuel na nagmula rin sa naturang tanker.

Sa isinagawang imbentaryo. Tinaya sa 200,000 liters ng diesel ang nasa tanker habang 19,000 liters at 40,000 liters ang karga ng dalawang trucks.

Dalawampu’t isa naman ang dinakip sa naturang operasyon, na kinabibilangan ng mga tripulante ng MT Bernadette, gayundin ang mga drayber ng truck, porter, lookout at iba pang mga kasabwat.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).