BUMAGSAK sa 3.8 percent ang unemployment rate sa bansa sa buong taon ng 2024 mula sa 4.4 percent noong 2023.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pinakamababa ito simula noong 2005.
Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa, na batay sa pinakahuling labor force survey, bumaba sa 1.94 million ang bilang ng mga pinoy na walang trabaho noong nakaraang taon mula sa 2.19 million noong 2023.
Samantala, tinaya naman sa 48.85 million ang mga pinoy na mayroong trabaho, katumbas ng employment rate na 96.2 percent, na mas mataas kumpara sa 95.6 percent noong 2023.
Ang mga underemployed naman noong nakaraang taon ay tinaya sa 5.8 million mula sa 5.9 million noong 2023, na katumbas ng underemployment rate na 11.9 percent, na pinakamababa rin simula noong 2005.