TINAYA sa dalawanlibong pamilya ang nawalan ng tirahan bunsod ng malaking sunog sa Isla Puting Bato, sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Senior Inspector Alejandro Ramos, Intelligence and Investigation Chief ng Manila Fire Department, libo-libong tahanan ang nilamon ng apoy na sumiklab dakong alas otso ng umaga, kahapon.
ALSO READ:
NCRPO, naka-full alert simula sa Feb. 21 kaugnay ng EDSA Anniversary at Trillion Peso March
24/7 na repair works sa EDSA, planong ipatupad ng DPWH sa Semana Santa
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Umakyat sa Task Force Charlie ang sunog bago mag-tanghali.
Nag-deploy ang Philippine Air Force ng dalawang aircraft para tumulong sa pag-apula ng apoy habang apat na karagdagang fire boats din ang ginamit. Sinabi ni Ramos na karamihan ng mga bahay sa lugar ay gawa sa light materials at nakatulong rin ang malakas na hangin sa komunidad na nasa tabing-dagat kaya mabilis na lumaganap ang apoy.
