15 March 2025
Calbayog City
Province

200 bangka lumahok sa Pluvial Parade sa General Santos City para sa kapistahan ng Sto. Niño De Bula

NASA dalawang-daang bangka ang lumahok sa Pluvial Parade sa Sarangani Bay, bilang bahagi ng pagdiriwang ng pista ng Sto. Niño De Bula sa General Santos City.

Isinakay sa mother boat ang imahen ng Sto. Niño na siyang nanguna sa prusisyon ng mga fishing vessel at maliliit na bangka. 

Tuwing ika-labinlima ng Enero ay umuuwi ang daan-daang mangingisda sa General Santos City para lumahok sa pluvial procession at magpasalamat sa biyaya ng dagat. 

Ang Gensan ang tinaguriang “Tuna Capital of the Philippines” dahil matatagpuan dito ang anim mula sa walong pangunahing tuna canning factories sa bansa.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *