Dalawang piloto ang nasawi makaraang bumagsak ang training helicopter ng Philippine Navy, sa Cavite City, ayon sa Armed Forces of the Philippines.
Sinabi ni AFP Spokesperson, Colonel Francel Margareth Padilla, na nag-emergency landing ang PN Robinson R22 trainer helicopter, malapit sa Cavite City public market.
Inihayag ni Padilla na dalawang navy aviators ang isinugod sa ospital para malapatan ng lunas subalit binawian din sila ng buhay kinalaunan bunsod ng mga tinamong pinsala sa katawan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang sanhi ng naturang insidente.