DALAWA katao ang nasawi habang apat ang nasugatan sa landslides sa Biri, Northern Samar, sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Enteng.
Ayon sa PNP Regional Office, wala ng buhay nang matagpuan kahapon ng rescuers ang katawan ng dalawang indibidwal na unang napaulat na nawawala matapos ang landslide sa Barangay Sto. Nino noong linggo.
ALSO READ:
Mahigit 20 dating miyembro ng NPA, nakumpleto ang Skills Training sa Northern Samar
Publiko, binalaan laban sa pekeng Tower at Satellite CONNECTION Deals
Tri-City Specialty Justice Zone, ilulunsad ng JSCC sa Eastern Visayas para labanan ang Online Sexual Abuse and Exploitation sa mga bata
Cebu-Calbayog Flights, binuksan ng PAL
Positibong kinilala ng kanilang mga kaanak ang mga biktima na sina Federico Sabangan Sr., pitumpu’t anim na taong gulang at Federico Sabangan Jr., tatlumpu’t siyam na taong gulang.
Samantala, apat pang residente sa naturang barangay ang nagtamo rin ng injuries bunsod ng landslides.
