15 March 2025
Calbayog City
Province

2, patay; 4, sugatan makaraang makuryente sa Masbate

DALAWANG construction workers ang nasawi habang apat na  iba pa ang nasugatan  matapos makuryente sa Barangay Dapdap, sa bayan ng Uson, sa Masbate.

Batay sa police report, lulan  ng boom truck ang mga biktima na nagta-trabaho sa isang road  construction project nang sumalpok ang kanilang sinasakyan sa poste ng kuryente.

Dahil dito, nagkaroon ng contact ang truck sa live wire na pag-aari ng Masbate Electric Cooperative (MASELCO), na nagresulta sa pagkaka-kuryente ng mga trabahador.

Dead on the spot ang dalawa habang mabilis na naisugod sa ospital ang apat na iba pa upang malapatan ng lunas.

Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang may pananagutan sa naturang insidente.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *