UMAKYAT na sa apat na pu’t lima ang bilang ng mga nasawi sa lumubog na MV Trisha Kirsten 3 sa Basilan.
Ayon sa Philippine Coast Guard dalawang bangkay pa ang narekober sa nagpapatuloy na search and rescue operations sa katubigan ng Baluk-Baluk Island.
ALSO READ:
Sasailalim sa identification process ang dalawang narekober na bangkay upang maimpormahan ang kanilang kaanak.
Ayon kay Hadji Muhtamad, Basilan Mayor Arsina Kahing-Nanoh, parehong lalaki ang dalawang biktima na nakuha mismo sa lumubog na barko.
Nakita aniya ng mga technical divers ang dalawang katawan na nakasabit sa railings ng barko.




