DALAWANG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang patay sa serye ng mga engkwentro sa tropa ng pamahalaan sa dalawang barangay sa Mobo, Masbate.
Kinilala ni Major Frank Roldan ng 9th Infantry Division Public Affairs Office, ang mga rebelde na sina alyas “Lito” at “Roco.”
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Narekober mula sa mga napaslang na NPA members ang iba’t ibang armas, subersibong mga dokumento, at personal na kagamitan.
Idinagdag ni Roldan na isang sundalo naman ang napaslang habang dalawang iba pa ang nasugatan sa mga isinagawang operasyon.
