DALAWANG matataas na lider ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa militar sa Barangay Nato, sa Taft, Eastern Samar.
Boluntaryong sumuko si Rolando Romanca, alyas “Arman,” Commander ng Apoy Platoon ng NPA na nag-o-operate sa Eastern Samar, noong Aug. 20.
Maharlika Falls sa Eastern Samar, isinusulong para maging premier ecotourism destination
Environmental impact ng ‘Unity Roads’ sa Samar, tiniyak na maliit lang
Unity Road Project, paglalaanan ng malaking pondo sa loob ng 2 taon
Panukalang Samar Island Connectivity Road Project, tinalakay sa Office of the Executive Secretary
Kasama ni Romanca ang isang medical staff ng rebeldeng grupo na kinilalang si Jovy Mendez.
Inamin ni Romanca sa mga sundalo na bumaba ng husto ang kanilang moral kasunod ng pagkamatay ng kanilang mga lider na sina Joel Guarino alyas “Duran,” at Martin Colima, alyas “Moki,” sa engkwentro ngayong taon.
Itinuro rin ng sumukong NPA Leader ang lokasyon ng imbakan ng armas ng grupo, na may dalawang M16 Rifles, labing isang magazines, 317 rounds ng 5.56 mm ammunition, hand grenades, mga subersibong dokumento, at iba pang personal na kagamitan.
