ISINAILALIM ang buong lalawigan ng Samar sa state of calamity bunsod ng nakaalarmang paglobo ng kaso ng dengue.
Inaprubahan ng Provincial Board Members ang resolusyon na nagde-deklara ng state of calamity sa Samar, kasunod ng rekomendasyon mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
Simula Enero hanggang sa ikalawang linggo ng Agosto ngayong taon, nakapagtala ang probinsya ng 2,013 dengue cases sa dalawampu’t apat na bayan at dalawang lungsod.
Mas mataas ito ng 307 percent kumpara sa 482 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Simula nang mag-umpisa ang 2024 ay pumatay na ng sampu katao ang dengue sa Samar.
Una nang nagdeklara noong Miyerkules ang Calbayog City ng state of calamity dahil sa tumataas na kaso ng dengue.