KRITIKAL ang dalawang high school student ng Sta. Rosa Integrated School sa Nueva Ecija matapos ang insidente ng pamamaril na naganap sa loob mismo ng silid-aralan.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nangyari ang insidente pasado alas diyes ng umaga ng Huwebes, August 7 nang pumasok sa silid-aralan ang 18-anyos na lalaking estudyante para puntahan ang 15-anyos na babaeng estudyante.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Bigla na lamang umanong binaril ng lalaking estudyante ang babaeng biktima gamit ang kalibre 22 na baril at pagkatapos ay nagbaril naman itosa sarili.
Ayon sa ulat ng Sta. Rosa Municipal Police Station, nanawagan din ng Privacy ang pamilya ng dalawang mag-aaral na kapwa ginagamot ngayonsa ospital.
