DALAWA umanong biktima ng human trafficking ang nasagip ng mga awtoridad sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City, sa gitna ng police operation para isilbi ang arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quiboloy.
Ang PNP Women and Children Protection Desk at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 11 ang nagsagawa ng rescue operation.
Publiko pinag-iingat sa alok na P8.5K na cash aid sa Facebook Messenger
Mga senador at ilan pang personalidad pinakakasuhan ng Senate Blue Ribbon Committee
Botohan para sa Sufficiency in Substance ng 2 impeachment complaints laban kay PBBM, itutuloy ngayong araw
DSWD nagtaas ng Blue Alert dahil sa Bagyong Basyang
Ayon kay PNP Regional Office (PRO-11) Spokesperson, Police Major Catherine Dela Rey na ang mga biktima ay kinabibilangan ng bente uno anyos na lalaki mula sa Samar at isang babae mula sa Midsayap, Cotabato.
Ipinaliwanag ni Dela Rey na ang dalawa umanong biktima ay iniligtas makaraang manghingi sila at kanilang mga pamilya ng tulong mula sa mga awtoridad.
Idinagdag ng police official na nais nang umalis ng compound ng dalawa subalit pinipigilan sila na lisanin ang lugar.
