Dalawang babae ang napaulat na nasawi makaraang lumubog ang sinasakyan nilang motor banca sa Laoang, Northern Samar.
Natagpuang lumulutang sa katubigan ang bangkay ng dalawang biktima na ang edad ay animnapu’t walo at limampu.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Kabilang ang dalawa sa walong pasahero ng lumubog na bangka na patungo umanong Batag Island.
Sa imbestigasyon na isinagawa ng Laoang police, nabatid na hindi pinayagan ng Philippine Coast Guard ang paglalayag bunsod ng masamang panahon at malalaking alon, dahilan kaya lumubog ang motor banca.
Nailigtas naman ang anim na pasahero at pawang nasa ligtas na kondisyon.
