MAHIGIT dalawang milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Semana Santa, para umuwi sa kani-kanilang mga probinsya o mamasyal sa Metro Manila.
Sinabi ni PITX Spokesperson Jason Salvador na maaga silang naghanda para sa nalalapit na Holiday Exodus dahil posibleng sa Miyerkules pa lang, April 9, Araw ng Kagitingan, ay magsimula nang magsi-biyahe ang mga pasahero.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Sa pagtaya ni Salvador, posibleng umabot sa dalawa punto tatlong milyong pasahero ang gagamit ng PITX simula April 9 hanggang sa pagtatapos ng mahal na araw.
Idinagdag ng PITX official na ang pinakadagsa naman ng mga biyahero ay sa Miyerkules Santo at Huwebes Santo para sa mga hindi nakapag-leave sa trabaho.