28 September 2025
Calbayog City
Local

4 sa 10 sambahayan sa Eastern Visayas, nakaranas ng Food Insecurity – Survey

NASA 43.9 percent o apat mula sa sampung sambahayan o households sa Eastern Visayas ang nakaranas ng Moderate to Severe Food Insecurity, ikalawa sa pinakamataas mula sa labimpitong rehiyon sa bansa, batay sa report ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).

Sa resulta ng 2023 National Nutrition Survey (NNS), sinabi ng DOST-FNRI na ang datos ng Region 8 ay mas mataas kumpara sa 31.4 percent sa National Level.

Ayon kay Ma. Lynell Maniego, DOST-FNRI Senior Science Research Specialist, sumunod ang Eastern Visayas sa BANGSAMORO Autonomous Region in Muslim Mindanao na may 48.2 percent Food Insecurity Prevalence.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).