KINUMPIRMA ng aktres na si Bela Padilla na in-unfollow niya sina Piolo Pascual at Kyle Echarri sa instagram, subalit hindi dahil sa anumang conflict.
Paliwanag ni Bela, nagising na lamang siya isang araw na nasa pitunlibong katao na ang kanyang pina-follow, kaya sinusubukan niya ngayong mag-declutter o magbawas hanggang sa maibalik sa zero ang kanyang following, at ipa-follow uli ang kanyang mga kaibigan paisa-isa.
ALSO READ:
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, muling nagkasama para suportahan ang kanilang anak na si Elias sa piano recital
Nakausap na rin na noong nakaraang gabi si Kyle.
Binigyang diin din ng aktres na isa si Piolo sa kanyang most trusted friends sa industriya.
