Binisita ni Samar First District Rep. Stephen James Tan ang mga biktima ng sunog sa Barangay Himalandrog sa Calbayog City.
Tiniyak ni Congressman Tan sa mga naapektuhang pamilya ang suporta ng pamahalaan.
Sinabi ng mambabatas na nangako si Samar Governor Sharee Ann Tan na magbibigay ng 20,000 pesos na financial assistance sa bawat pamilyang nasunugan.
Idinagdag ni Congressman Tan na nakipag-ugnayan na ang kanyang opisina sa SAMELCO Uno para sa agarang pagbabalik ng supply ng kuryente sa lugar, pati na sa DepEd Calbayog para sa rehabilitasyon ng napinsalang school building.
Lunes ng gabi nang sumiklab ang apoy sa Barangay Himalandrog, na tumupok sa mahigit kalahati ng mga kabahayan, at isang grade school building.