12 October 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist nangampanya sa Maynila, Kalookan at Laguna, Melai may entry rin para sa netizens

trabaho partylist

Back-to-back sortie ang dinaluhan ng TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, sa mga vote-rich cities na Maynila at Kalookan at vote-rich province Laguna kahapon, ika-12 ng Abril.

Sa umaga, dinala ng Team Yorme’s Choice na pinangungunahan ng tambalang Isko Moreno at Chi Atienza si TRABAHO second nominee Ninai Chavez sa kanilang motorcade sa Distrito Uno sa Tondo, Maynila.

Kinagabihan, itinaas naman ng Team Aksyon at Malasakit na pinangungunahan ni Cong. Oca Malapitan at Mayor Along Malapitan ang mga kamay ni TRABAHO first nominee Atty. Johanne Bautista sa Distrito Uno Grand Rally sa Lungsod ng Caloocan. 

Ayon sa COMELEC, may 1,142,172 rehistradong botante sa Maynila at 765, 249 na rehistradong botante naman sa Caloocan.

Samantala, ang ikatlong nominee naman na si kagawad Nelson de Vega ay patuloy pa ring nag-iikot sa probinsya ng Laguna upang ikalat ang kanilang mga isinusulong na reporma para sa mga manggagawa at upang magpasalamat na rin sa kanilang mga tagasuporta sa lugar na kusang-loob umanong tumutulong na magkabit ng kanilang mga tarpaulin. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).