Sisimulan ngayong Huwebes ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – National Capital Region (RTWPB-NCR) ng konsultasyon hinggil sa kasalukuyang minimum wage rates.
Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang consultation sa labor sector ay itinakda ngayong araw, May 23, habang sa June 4 ang sa employers sector.
Magkakaroon naman ng public hearing sa ika-dalawampu ng Hunyo.
Ayon sa DOLE, pagkatapos nito ay magpapasya ang RTWPB sa kaangkupan ng pag-a-adjust sa minimum wage para sa NCR.
Ang hakbang ay alinsunod sa panawagan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga RTWPB sa pagdiriwang ng Labor Day upang simulan ang napapanahong pagre-review sa regional minimum wage rates, sa loob ng animnapung araw bago ang anibersaryo ng pinakahuling wage order.
Ang huling umento sa sweldo na inaprubahan ng Metro Manila Wage Board, at naging epektibo noong July 16, 2023, kung kailan tumaas sa 610 pesos ang minimum wage sa NCR.