SUPORTADO ni Maharlika Investment Corporation President Rafael Consing Jr. ang proposal ni Speaker Martin Romualdez para sa MIC na mag-invest sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sa statement, sinabi ni Consing na ang NGCP ang backbone ng isa sa power system ng bansa, at ang stability nito ay konektado sa economic at social well-being ng Pilipinas.
Inihayag ni Consing na kabilang sa mga benepisyo na magiging resulta ng partnership ay ang mas mababang halaga ng kuryente at mas reliable at resilient na grid.
Idinagdag ng MIC President na ang pag-i-invest sa NGCP sa pamamagitan ng Maharlika ay maituturing na pag-i-invest para sa kinabukasan ng Pilipinas.