SIMULA sa November 5, 2025 tataas ang sweldo ng mga Minimum Wage Earner sa Cagayan Valley.
Ayon sa National Wages and Productivity Board, mula sa 480 pesos na minimum na sweldo ng mga nasa Non-Agriculture Sector tataas ito sa 500 pesos.
Habang mula sa 460 pesos ay magiging 500 pesos na din ang Minimum Wage ng nasa Agriculture Sector.
Tataas din ang sweldo ng mga kasambahay sa rehiyon mula sa kasalukuyang 6,000 pesos ay magiging 6,500 na.