KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) na mula taong 2019 hanggang 2024 ay mayroong tinatayang 18 milyong graduates ang naharap sa “functional illiteracy”.
Ibig sabihin ayon kay DepEd Sec. Sonny Angara, hirap silang magbasa, magbilang at maabot ang kanilang pinakamataas na kakayahan.
Ito ang dahilan ayon kay Angara kaya mas pinaigting pa ng DepEd ang pagsasagawa ng remidial at literacy programs.
Hinuhubog din ang mga mag-aaral na maging critical thinker at magkaroon ng 21st century skills.
Ani Angara, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sinisiguro ng kagawaran ang patuloy na implementasyon at pagpapaunlad ng mga programa sa edukasyon upang masiguro na walang batang maiiwan sa pagkatuto.