TINUGUNAN ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office sa Tacloban City ang problema sa iligal na pangingisda sa Dawahon Islet sa Bato, Leyte sa pamamagitan ng pamamahagi ng Fish-Pot Fabrication Materials.
Sinabi ni BFAR Eastern Visayas Information Officer Christine Gresola, na ang mga bagong materyales ay kapalit ng mapaminsalang fishing gear na dating ginagamit sa dynamite fishing.
Aniya, sa pamamagitan ng naturang hakbang ay hindi na gagamit ng mapanganib na paraan ang mga mangingisda, at sa halip ay ipagpatuloy ang responsableng pangingisda gamit ang inirekomendang passive gear.
Ayon kay Gresola, nasa tatlundaanlibong pisong halaga ng mga materyales ang itinurnover kamakailan sa mahigit animnapung lokal na mangingisda.
Idinagdag ng BFAR na layunin ng kanilang programa na protektahan ang marine ecosystem habang tinitiyak na may disenteng pinagkakakitaan ang mga mangingisda.