IBINUNYAG ni Dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na labinlimang “Missing” Projects ang nadiskubre sa isinagawa nilang imbestigasyon sa Completed Projects sa ilalim ng Marcos Administration simula July 2022 hanggang May 2025.
Sinabi ni Bonoan na ang “Non-Existent” Projects ay bahagi ng listahan na kanilang isinumite kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
ALSO READ:
Aniya, hindi Ghost Projects ang mga ito at karamihan ay nasa unang distrito ng Bulacan, habang nakakalat ang ilan sa iba’t ibang rehiyon.
Tiniyak ng dating kalihim na lahat ng mga dokumento ay itu-turnover nila kay Bagong DPWH Secretary Vince Dizon.




