NATAGPUAN na ang lahat ng labindalawang mamahaling sasakyan na nasa Search Warrant sa St. Gerrard Construction Firm ng pamilya Discaya sa Pasig City.
Sinabi ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, kagabi, na pitong sasakyan ang isinurender sa Bureau of Customs (BOC) at ngayon ay naka-secure sa Compound ng St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corp. sa naturang lungsod.
VP Sara Duterte, no comment sa impeachment complaint vs PBBM
Kontra salaysay ni Sen. Villanueva sa reklamong malversation hindi pa naisusumite sa DOJ
Dating Sen. Bong Revilla, hindi bibigyan ng special treatment sa selda
Bilang ng pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay mahirap, bumaba noong 4th quarter ng 2025, ayon sa survey
Kinabibilangan ito ng Rolls-Royce Cullinan 2023, Bentley Bentayga, Mercedes-Benz G-Class, Mercedes AMG G 63 SUV 2022, Toyota Tundra 2022, Toyota Sequoia, at Cadillac Escalade ESV 2021.
Kahapon ng umaga ay dalawa lamang mula sa 12 Luxury Vehicles na saklaw ng Search Warrant ang natagpuan ng BOC, na kinabibilangan ng Toyota LC300 at Maserati Levante Modena 2022.
