LABINLIMANG estudyante ng Southeastern College of Padada sa Padada, Davao Del Sur ang isinugod sa ospital kasunod ng umano’y Mass Hysteria Event.
Ayon sa LOCAL Rural Health Unit, nakaranas ang mga mag-aaral ng Fatigue at gutom habang naghahanda para sa Intramurals sa eskwelahan.
ALSO READ:
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Rockfall event, namataan sa Bulkang Mayon
Wage Hike sa MIMAROPA at Zamboanga Peninsula epektibo sa Jan. 1
Mahigit 15K na iligal na vape units na kinumpiska mula sa Visayas, winasak ng BIR
Posibleng ito umano ang naging mitsa ng pagka-nerbiyos at pagdagsa ng emosyon sa mga estudyante.
Ibinasura rin ng mga awtoridad ang maling impormasyon na kumalat sa online na na-possess ng masamang espiritu ang mga mga mag-aaral.
Binigyang diin ng health experts na ang Mass Hysteria ay isang Stress Reaction ng grupo ng mga tao, bunsod ng Stress, Fatigue, gutom, at pangamba.
