15 March 2025
Calbayog City
Metro

13 milyong pisong halaga ng mga pekeng produkto, kinumpiska ng NBI

LABINTATLONG milyong pisong halaga ng mga pekeng produkto ang kinumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa magkakahiwalay na operasyon sa Metro Manila.

Ayon sa NBI, 12.28 million pesos na halaga ng bath and beauty products ang kanilang nasamsam sa Maynila, Quezon City, at Parañaque City.

Samantala, 1 million pesos na halaga ng counterfeit technologies ang kinumpiska rin sa Maynila.

Labindalawang search warrants ang isinilbi ng NBI matapos makatanggap ng reklamo, na ilang indibidwal at establisimyento ang nagbebenta ng mga pekeng produkto.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).