30 January 2025
Calbayog City
National

12K katao mula sa graduating 4PS Beneficiaries, prayoridad sa idaraos na Job Fairs

4Ps Job Fairs – 1

MAKIKINABANG sa serye ng job fairs ang 12,000 graduating members ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Metro Manila.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mayroong 147,000 household-beneficiaries sa NCR ang inaasahang matatapos na sa 4Ps base sa datos ng 4Ps National Program Management Office (NPMO).

Dahil dito, magsasagawa ang DSWD ng serye ng job fairs na tatawaging ‘Trabaho para sa 4Ps’ apra matulungan ang mga graduating 4Ps beneficiaries na makahanap ng mapagkakakitaan.

Magsisimula ang job fairs sa Biyernes, January 31.

Ani Gatchalian, katuwang ng DSWD sa idaraos na job fairs ang Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang ahensya ng gobyerno.

Bawat graduating 4Ps family ay entitled sa isang working adult na mapagkakalooban ng hanap buhay mula sa gagawing job fairs.

Ang bawat aplikante ay sasailalim sa orientation at bibigyan ng tulong-pinansyal na P3,000 upang may pang-proseso sila ng NBI clearance, Police clearance, PSA-issued birth certificate, PhilSys National ID, SSS number, BIR-issued Tax Identification Number (TIN) at iba pang requirements. (DDC)

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).