GINARANTIYAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang mas malaking impluwensya ng pamahalaan sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), sa pamamagitan ng kukuhaning 20 percent shares ng Maharlika Investment Corporation (M-I-C).
Sinabi ng Pangulo na ang naturang hakbang ay para sa mas matatag na supply ng kuryente at pagpapanatili ng makatarungang presyo para sa bawat Pilipino.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Idinagdag ng punong ehekutibo na sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maitatag ang NGCP ay magkakaroon na ng boses ang taumbayan sa mahahalagang desisyon nito.
Iginiit ni Pangulong Marcos na ang kasunduan sa pagkuha ng shares sa NGCP ay mainam na solusyon sa pangamba ng lahat.
Una nang lumutang ang mga hinala na posibleng makontrol ng China ang supply ng kuryente sa Pilipinas, dahil sa malaking shares sa NGCP ng State Grid Corporation of China.
