IGINAWAD ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Field Office 8 – Eastern Visayas ang Centenarian Gifts sa tatlong centenarians mula sa probinsya ng Leyte.
Iginawad ang P100,000 na cash kina Lola Cesaria mula sa bayan ng San Miguel; Lola Anita mula sa bayan ng Carigara; at Lola Josefa mula sa bayan ng Palompon.
Eastern Samar niyanig ng Magnitude 4.3 na lindol
Calbayog City LGU, nag-turnover ng panibagong School Vehicle sa ilalim ng Sakay Na Program
Mahigit 236 million pesos na halaga ng Relief, inihanda ng DSWD Region 8 para sa mga biktima ng kalamidad
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
Kalakip ng cash ang liham ng pagbati mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kanilang pagtungtong sa edad na 100.
Samantala, nakiisa at nagbigay din ng kanilang regalo para sa mga centenarians ang National Commission of Senior Citizens- Regional Office VIII at ilan sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng mga nasabing bayan. Sina Lola Cesaria, Lola Anita, at Lola Josefa ay tatlo lamang sa 76 na mga centenarian na target na mapagkalooban ng nasabing pribilehiyo sa buong Region 8. (DDC)